Reblogged By: De De Tillman;  International Celebrity Blogger

Source: ph.news

Posted: Tuesday March 25, 2014 @ 6:46 p.m PST

 

 

 

Live na nag-guest sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa StarTalkkahapon, Linggo, March 23.

Diretso agad silang tinanong kung ano ang status ng relasyon nilang dalawa ngayon.

Sagot ni Elmo, “Well, we’re both happy naman.

“We’re both happy and ini-enjoy namin yung time namin together.”

Sinegundahan naman ito ni Janine.

Kung ikukumpara sa FaceBook, ano ang status nila? Single, in a relationship o it’s complicated?

“Happy, happy,” sagot ni Elmo.

May balita na kapag nasa Sunday All Stars silang dalawa ay lagi raw si Elmo sa tabi ni Janine, kahit na magkaiba ang dressing rooms nila.

Depensa naman ni Elmo, “Teka, ide-defend ko lang ang sarili ko.

“Same dressing room kami and siyempre, andun sila Lovi [Poe], sila Heart [Evangelista], meron din silang sarili nilang puwesto dun.

“So ako, pumuwesto ako kasama si Janine.”